Kwento Kwenta

•November 5, 2008 • Leave a Comment

Nakakatamad na talagang pumasok. Parang araw-araw na lang ganito. Kaiinisan ang Lunes, magdadasal para tumakbo ng mabilis ang araw at ang Biyernes ay naririyan na naman. Hanggang kailan kaya ako ganito? Sa lahat na lang ng trabahong napasukan ko, laging may reklamo. Laging tamad, laging nagtatanong, nagaalinlangan. Kahit ilang beses akong magbasa ng librong naghihikayat magtiis, kahit ilang pelikula pa ang nagmumulat sa akin sa mga totoong pangyayari, kahit ilang ulit kong pakinggan ang kanta ni Dong Abay na “Espasyo” kailan may hindi ko naisip na ako ay makukuntento. Walang kwenta lahat ng pinaggagawa ko. Walang kwenta ang kwento. Walang nilaga ang pagiging kuntento.

Sa Waiting Shed

•October 3, 2008 • Leave a Comment

Sinong inaantay mo? Sino ang dadating? Naabutan kasi kitang baluktot sa mahimbing na pagkatulog. Di mo yata napansin na pinagpiyestahan ka na ng lamok at ng mga sasakyang bumulusok ng usok sa umagang animo’y tuldok dahil ikaw na mismo ang nagpahiwatig na walang kasunod. Ngunit kung walang kasunod, bakit ka pa nag-aantay dito? May magbibigay ba ng saplot sa iyong balat na dinumihan ng traydor na pag-asa?

Hindi mo dapat kinakaibigan ang sementong higaan. At wag mong sabihin na itong munting bubungan ang magsasabing ang bukas ay walang hanggan. Di matitinag, di magigiba, di mauubos ang usok at lamok. Dadaanan at dadaanan ka nila.

Saya/ng

•September 25, 2008 • Leave a Comment

Dapat ganito pala. Dapat noon pa. Pero di bale. Ngayon alam ko na. :)

Tuldok

•September 9, 2008 • Leave a Comment

Dito ako hihinto. Malinaw na malinaw. Selyado. Wala nang dapat ipagtaka. Wala nang dapat ipangamba. Heto na ang pinakaaasam. Sa wakas tapos na. Sa wakas sarado na.

Siya

•September 3, 2008 • Leave a Comment

Sabi ng kaibigan ko, banat na banat na daw ang mukha ko sa sobrang ngiti ko. Abot kilay daw. Tigil-tigilan at pigilan ko na. Baka lumipad daw ang labi ko. Di ko lang talaga maiwasan, ito ang isa sa mga pinakamasaya, pinakamakulay at pinakamaliwanag na sandali sa buhay ko. Parang bumalik ako sa hayskul.

Unang Araw

•September 1, 2008 • Leave a Comment

Laging ganito ang pakiramdam simula ng mawala ka. Kahit ipikit ko ang mata ko. Kahit patakbuhin ang kalendaryo. Ang bukas ay parating kahapon. Laging una. Lagi ka pa ring nauuna.

Bitin

•August 26, 2008 • 1 Comment

Sabi ng mga kaibigan ko, ugali ko na raw ang mambitin kapag nagkwekwento. Sukdulan ang inis nila sa akin noong Linggo dahil . . .

Malapit Na

•August 24, 2008 • Leave a Comment

Mapapagod rin ako. Magsasawa. Magigising na ang tagal ko nang nagpapakatanga. May hangganan ang lahat. Matatanggap kong mahirap tulungan ang mga taong ayaw magpatulong. Ganun talaga.

Simula

•August 16, 2008 • 2 Comments

Pambihira. Nakakainis. Bigla na namang uulit. Di bale, kaya naman eh. Kakayanin.

Umulan na Sana

•August 13, 2008 • Leave a Comment

Nakakatawa. Tuwing umuubo ako, naririnig ko ang kulog.

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.