Kwento Kwenta
Nakakatamad na talagang pumasok. Parang araw-araw na lang ganito. Kaiinisan ang Lunes, magdadasal para tumakbo ng mabilis ang araw at ang Biyernes ay naririyan na naman. Hanggang kailan kaya ako ganito? Sa lahat na lang ng trabahong napasukan ko, laging may reklamo. Laging tamad, laging nagtatanong, nagaalinlangan. Kahit ilang beses akong magbasa ng librong naghihikayat magtiis, kahit ilang pelikula pa ang nagmumulat sa akin sa mga totoong pangyayari, kahit ilang ulit kong pakinggan ang kanta ni Dong Abay na “Espasyo” kailan may hindi ko naisip na ako ay makukuntento. Walang kwenta lahat ng pinaggagawa ko. Walang kwenta ang kwento. Walang nilaga ang pagiging kuntento.
